Header Ads

Ryza Cenon brings Georgia's fierceness in lingerie shoot


Photo Provided by GMA News Online ryza lingerie 



Maliban sa kaniyang pagpapakitang-gilas sa GMA Afternoon Prime series na “Ika-Anim Na Utos,” patuloy rin ang pagpapabilib ng Kapuso actress na si Ryza Cenon bilang modelo para sa isang lingerie brand.
Sexy at fierce ang aktres sa mga larawang kuha para sa “MSE Fantasy” photo set, na ibinabahagi niya sa kaniyang Instagram account.
Aniya sa naunang panayam, healthy lifestyle lamang ang sikreto niya upang mapanatili ang kaniyang magandang pangangatawan.
"Hindi ako kumakain ng pork, hindi rin ako kumakain ng seafood. Ang kinakain ko lang chicken, mga white meat lang, salad ganyan... Hindi rin ako nagra-rice," pagbabahagi ni Ryza.
Gumagawa rin daw siya ng mga aktibidad na makakapagpapawis tulad ng pagtakbo o sit-ups, kahit nasa bahay lamang siya. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

No comments